The New 52

Ngayon ko lang din napagtanto ( ayon sa google translate, ang Filipino translation ng “realize” ay “mapagtanto” ) na isa sa pinaka-epektibong inspirasyon para makapag-sulat ay … (drumroll please)…Magbasa. Mas lalo na minsan kung ang binabasa mo ay medyo nakaka-insulto sa iyong pagkatao.

At dito magsisimula ang ating kuwento kung papaano ko naisipang bumalik ulit sa pagsusulat at buhayin ang blog na ito.

PART 1: Na-uto ako ni Jim Lee na bumalik sa pangongolekta ng comics.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang ilabas ang DC Comics ang kanilang bagong pakulo, ang “The New 52”. Mahilig ang DC Comics na gumawa ng mga kwento sa kanilang “universe” na naaapektuhan ang lahat ng kanilang mga karakter at iba-ibang mga istorya. Mula sa Crisis on Infinite Earths, hanggang sa Zero Hour, Final Crisis, Blackest Night, hanggang sa Brightest Day (tama ba? may ganyan ba talaga?) at kung anu-ano pa, kayang-kaya nilang ipag-krus ang landas ng lahat ng mga super hero nila na para bang wala silang mga sariling problema at kailangang problemahin nilang lahat ang iisang bagay ng sabay sabay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mga kaganapan bago nangyari ang “The New 52”. Hindi ko alam ang background ng istorya ng mga karakter ng DC Comics at kinailangan nilang gawin ito. Ang pagkakaintindi ko lang, kaya nagkaroon ng “The New 52” ay dahil naisipan ng management (na itatago natin sa pangalang Jim Lee) na ulitin lahat ng titles ng DC sa simula. Ibig sabihin, ang 52 titles na ilang taon nang sinusundan ng mga tao ay maglalabas ulit ng kanilang bago at updated na 1st issue.

Ibig sabihin, ang Action Comics at Detective Comics, ang dalawang pinaka-matatandang titles sa balat ng comic book industry, ay babalik sa issue number 1. Hindi sya reprint ng original ng issue ha. Bagong issue sya. Bagong kuwento. Hindi ko maintindihan yung konsepto nito — makalipas i-announce ng DC na ang Action Comics ang “longest running comic book series” na tumatala sa mahigit 900 issues na ngayong 2011, ibabalik lang din pala nila ito sa issue #1? Hmm…

siguro 'no? malamang nga.

Siguro nga rin dahil sa sobrang tagal na ng iba nilang mga titulo at napaka-haba na ng mga istorya ng mga karakter nila ay baka hindi na maka-relate ang bagong henerasyon kapag binasa nila ang istorya ni Superman o Batman. Baka hindi nga naman nila maintindihan kung bakit sumikat ang mga superhero na nakalabas ang brip. Kaya reset ang lahat ng mga comics ng DC. Para naman magkaintindihan na ang lahat.

O baka naman paraan lang ito ni Mr. Lee na ibalik sa eksena ang iba niyang mga karakter mula sa Image comics? Balita ko kasama sa “The new 52” si Grifter pati ang Stormwatch e. Pero baka nga naman nagkataon lang.

(note: nauna ang Marvel Comics sa ideya na ulitin sa 1st issue ang kanilang mga comics, at tinawag nila itong “Heroes Reborn” kung saan ang Avengers, Iron Man, Fantastic 4, at iba pang titles ay inulit ang kuwento at medyo binago ang origin story para naman daw angkop sa mga mas batang mambabasa.

Ay, teka lang. Si Mr. Lee din ang bidang illustrator ng “Heroes Reborn”. Hmm. Baka naman coincidence lang.)

(note ulit: ang “Heroes Reborn” ay naganap pagkatapos ng Onslaught Saga. Nauna pa ito sa Ultimates series ng Marvel)

Anyway, marketing ploy man ito o hindi, ito pa rin ang naging ending ko:

the new 52

bumili pa rin ako ng comics

Ilang buwan na rin akong late, nasa 3rd or 4th issue na yata ngayon ang mga titles kaya medyo nahirapan ako maghanap ng mga 1st issue. Mabuti na lang may mga nakita pa akong konti sa Planet X Comics sa trinoma. Hindi ito yung mga titles na talagang hinahanap ko, pero mahirap nang makahanap ngayon ng 1st printing ng Action Comics at Detective Comics e. May mga dahilan din naman kung bakit ko napili ang tatlong ito:

Flash #1 : Story and art by Francis Manapul. Pinoy yan.

Batman and Robin #1 : Curious ako sa bagong Robin. Hindi na endangered species ang Wayne ngayon.

Superman #1 : Sa kawalan ng Action Comics, nag-settle na lang ako dito para lang masabing may Superman #1 ako. Fail ito. Dito ako nainis kaya na-inspire akong magsulat ulit ng article dito sa blog ko.

Hindi pa ako tapos pero masyado na yatang mahaba itong nasulat ko at malamang ay inaantok ka na, dakilang mangbabasa, kaya itutuloy ko na lang ito sa susunod ko na post.

Achievement of the year

Makalipas ang dalawampu’t walong taon sa buhay ko, naasikaso ko na rin ang aking passport.

Sobrang malaking bagay para sa isang katulad ko ( o baka naman para sa akin lang, at nag aassume ako na normal ang ganitong sitwasyon para din sa ibang tao ) ang makapag asikaso ng mga importanteng papeles katulad ng passport.

Hindi naman ako tamad ( o baka naman ako lang ang naniniwala dun ) pero ayoko lang talagang nag aasikaso ng mga ganitong klaseng mga bagay. Hanggang sa maaari, hindi ako gumagawa ng mga bagay na hindi naman kailangan. Wala sa isip ko dati na aalis ako ng Pilipinas kaya hanggang ngayon ay hindi ko inaasikaso ang kahit anong government related paperworks. Maliban sa lisensya.

Pero kailangan na e. Dumating na ako sa puntong naniniwala na akong mas madaling humakot ng pera sa ibang bansa. Maaaring ganun nga, o siguro naman dahil nararamdaman kon tumatanda na ako at kailangan ko na mag seryoso sa buhay.

O baka nagsasawa na ako sa view ng office namin dito sa eastwood.

20111213-170305.jpg

anatomy of a workstation

This post is in response to a friend’s facebook post of his own workstation. That was already a few weeks back and I’ve been meaning to do my own version for the longest time… pero tinamaan ako ng katamaran e. sorry na.

home workstation setup

workstation vanity

Let’s Deconstruct this, shall we?

1. 21.5″ iMac mid 2010 series – my main workstation that I only recently finished paying (yey! :D)

2. 13″ Mid 2009 series – borrowed from my girlfriend (ha!) that I also use when I need to be mobile with the stuff I need to do.

macbook pro and the iMac

black and white keyboard

additional note: I use an issue of the Rogue Magazine to elevate my keyboard to avoid scratches from the wood table. That’s Angel Locsin’s hand that you’re seeing (from a badly photoshopped cover image)

3. My Spider-Man mug – this was a Christmas gift to me from the current Dean of a college in UP Diliman. She was addressing this gift to the inner child in me.

spider-man mug, apple magic mouse

spider sense is a-tingle!

4. Books I bought before I began my collection of downloaded book library. Ang mahal e. sorry naman.

5. Various versions of my thesis, a calendar, external hard drive, and my trusty old nokia phone.

books

my collection of abubots - the abubooks

6. Behind every good man is the better woman – Photos of the biggest inspiration in my life.

Bonus Items! Just because.

Doraemon stuffed toy. Yes, I bought this for myself.

doraemon stuffed toy

you're my doraemon to my nobita

CD-R King LCD cleaner. Because I cannot live without cleaning my stuff.

cd-r king lens cleaner

cd-r king lens cleaner: it saves you from the evils of dust

 

Malaking Malaking Malaking Pearl!

the pearl of lao-tzu: 24 cm in diameter, 6.4 kilograms weight. This is the biggest pearl in the world.

the pearl of lao-tzu: 24 cm in diameter, 6.4 kilograms weight. This is the biggest pearl in the world.

Tinuturo sa amin dati sa school na ang Pilipinas ay tinatawag na “perlas ng silangan”. Akala ko ang dahilan nito ay ang malawakang paghahanap at pagpapalitan ng mga alahas at kung anu-ano pang kagamitan sa bansa natin dati, bago pa man dumating yang mga kastila na yan at ginulo ang kultura ng Pilipinas. (Para sa mga hindi nakaka-alam, nauna ang China, Japan, at marami pang mga katabi nating bansa na makipag-trade sa atin, at HINDI KAY MAGELLAN AT LAPU-LAPU nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas).

Tama naman ang dahilan na ito. Sa katunayan, may isang estatwa ng isang Pilipinong Datu ang tinayo sa China dahil sa pagbigay nito sa kanila ng pinaka-malaking perlas na nakita nila. Nakalimutan ko lang ang detalye ng kwentong ito, pero yan ang sinabi sa amin ng professor ko sa Philippine pre-hispanic art. Kung may pagdududa ka, sya na lang ang tanungin mo at hindi ako ang eksperto jan.

pero…!

Ngayon ko lang nalaman na nanggaling pala sa Palawan ang PINAKA-MALAKI at PINAKA-MABIGAT na perlas sa buong mundo. Na-diskubre ito sa Palawan, pero hindi ko alam kung bakit yung mamang nagdala nito sa America e sinasabi na sa China daw ito galing. Kung anu-anong kwento pa yung ginawa nya na marami daw namatay sa para protektahan ang perlas na ito sa China, hanggang sa nagdesisyon sila na ipadala ito sa Pilipinas para itago.

Absurrrd. Wilburn Cobb. Pakshet.

Nadiskubre ito sa Palawan nung 1934.

Wild Frontier is wild (gume-game review)

Hindi ko na mabitawan ang phone ko. Nakakaubos ng oras ang Wild Frontier.

wild frontier from KTH

Wild Frontier FTW

Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero grabe na e. Ngayon lang ulit ako nagbigay ng ganitong uri ng atensyon sa isang laro sa punto na pagpupuyatan ko pa ito, at magpupumilit na maghanap ng panahon at pagkakataon para lang maisingit ang paglalaro ko. Hindi ko na pinatawad, pati sa opisina minsan naglalaro ako (sa lunch time lang. o, ha.)

Nahihilig na naman ako sa mga ganitong klaseng laro. Siguro dahil sa sobrang paghihintay sa paglabas ng Diablo III, kinailangan ko maghanap ng paglalabasan (iwasan ang bastos na pag-iisip) ng aking pangangati (iwas, iwas) sa paglaro (bumabalik talaga) nga ganitong klaseng RPG.

satmin village

One of the villages in Wild Frontier

Oo nga, hindi kagandahan ang itsura nito kumpara sa mga nilalaro ng iba (huling nalaro ko na sobrang astig ng graphics ay yung Modern Warfare — kung saan nasubukan ko ang tunay na lakas ng iMac. Kung may nagsasabi sa inyo na hindi ginawa ang kahit anong Mac para sa games, sampalin nyo, tapos sigaw ng “BLASPHEMY!”) pero ano magawa ko? Nakaka-adik e.

Hindi ito yung tipo ng RPG na turn-based ang fight scenes na sobrang nakakatamad, dahil napakatagaaaaaaaalllllll matapos ng isang laban. Kung tutuusin, mas madali syang ikumpara sa Diablo (kaya ko siguro ito nagustuhan) kung saan hampas ka lang ng hampas hanggang sa walang hanggan. Kailangan mo rin dito mamulot ng tangkay, dahon, lupa, sipit ng alimango, balat ng dragon, balat pegasus (oo, dito lang ako nakakita ng pegasus na kailangan patayin), balat ng dinosaur (weird makita ang pegasus at dinosaur na magkatabi, pramis), at kung anu-ano pang kaweirdohan na hindi naman dapat pinupulot ng normal na tao.

Pero hindi ka naman kasi normal na tao sa larong ito. Isa kang “adventurer”. Yey!

Seryoso na.

Kung susuriin yung listahan ng mga kailangan pulutin, mapapansin na hindi ko sinama yung pagpulot ng mga kagamitan katulad ng espada, helmet, boots, etc. WALA KA TALAGANG MAPUPULOT NA GANYAN sa larong ito. Ang mapupulot mo lang, recipe para sa makagawa ng items, kung saan kakailanganin mo ang iba’t-ibang uri ng bato, lupa, tangkay, dahon, kulangot (seryoso, merong kulangot). Matrabaho, pero di ba nga, patience is a virtue. Kung wala kang patience, hindi ka virtuous.

salamander boss stage

Malaking butiki na bumubuga ng apoy

Heniwei, I give this game a thumbs up for bringing simplicity and awesomeness in one game (biglang uminglish), and another thumb up for the simple fact that it is FREE! orayt! apir! kaya kung may iPod touch ka, iPad, o white na iPhone na huli na sa balita, download na. Unless na hindi ka mahilig sa ganitong klaseng laro, malamang hindi ka na umabot sa parteng ito ng post ko at naghanap ka na ng ibang mababasa sa internet kalagitnaan pa lang.

White iPhone 4: Huli sa balita

White iPhone 4

maputim

Halos isang taon din itong hinintay ng mga techie na OC. Yan, pwede nyo na pagtabi-tabihin ang inyong Macbook white, Sony Wii, ang puti mong t-shirt, at ang white iPhone 4 mo. Isama mo na rin yung brip mo na bacon na kulay mamuti-muti pa.

Samantala, masaya na ako sa itim na iPhone ko, terno sya sa matim kong budhi.

’tis the season to be… teka, mali yata.

Ang 10 commandments. In Technicolor (and cheap prices!)

Ito ang in ngayong holy week. Sayang nga lang at hindi na talaga ako nakakanood ng TV simula nung nagtrabaho ako. Sa pagkaka-alala ko, ito lagi ang pinapalabas ng mga local TV networks pag mahal na araw. Walang sablay yan. Pati yung marathon ng 7th heaven.

Sino nakakaalam kung kailan at saang channel ipapalabas ito?

Today is Moundy Thursday, tomorrow is Holy Friday, Friday, Friday!

Sorry, hindi ko napigilan sarili ko sa title.

So, ngayong thursday ang simula ng tinatawag natin na Holy Week, isa sa pinaka-aabangang holiday ng mga tao dahil sa haba ng bakasyon na dala-dala nito sa mga empleyado. Kung tutuusin, para sa karamihan sa atin na hindi trip ang mga company summer outing (dahil sa araw araw mo na nga kasama yung mga tao sa opisina, sila pa rin ba ang pipiliin mong makita pag nagrerelaks ka sa beach?), ang semana santa na ang maituturing na summer vacation. Sa panahong ito, nagkalat ang mga tao sa Tagaytay, sa Baguio, Boracay, Ilocos, Pagudpud, Cebu, Davao, at kung saan- saan pa na may beach, o di kaya’y mga lugar na matataas ang lupa at malamig. Ako? sa pagkakataong ito, taong bahay lang ako. Nagsi-uwian ang mga magulang ko sa probinsya kaya solo ko ang bahay hanggang sa linggo. (akala nyo ba masaya? hindi ko alam kung saan ako kukuha ng kakainin ko no.)

Ngayon lang ulit ako nanatili sa Metro Manila para sa semana santa. Nitong mga nakaraang taon kasi lagi kaming umuuwi ng probinsya para bisitahin ang mga kamag-anak namin dun. Kaya, ngayon ko lang ulit nakita ang sandamakmak na tao (for some strange reason, lahat sila e puro mga bagets) na naglalakad ng pagkalayu-layo para lang bisitahin yung isang grotto na malapit sa tinitirhan namin.

Sobrang dami nila. Sa sobrang dami, kinain na ng mga tao ang kalahati ng kalsada. Akala ko, hindi na uso ngayon sa Manila yung ganung klaseng trip. Nakakatuwa din makita na active pa rin pala ang kabataan ngayon (shet, parang ang tanda na ng dating ng pananalita ko dito a) sa pag-gunita ng mga relihiyosong kaganapan.

Wag lang sana nila gawing excursion ito, at mag “simbang tabi” na lang pagdating sa simbahan.

visita iglesia

Visita Iglesia Marathon, 15k category

420 na! Sindihan na yan!

marijuana

tattoo design I made for a friend

Mejo nalabuan lang din naman ako nang hinanap ko yung pinanggalingan ng term na “420”. Para sa mga hindi nakaka-alam, ang 420 ay isang counterculture (or subculture para sa ibang tao) na ipinagdiriwang ng mga tao na mahilig sa Cannabis. Pinag-connect-connect na lang ng mga tao yung pangalan na “420”. Basta, naguluhan ako nung binasa ko yung kwento ng kulturang ito.

May isang grupo ng kabataan sa California na nagkasundo na magkita kita sa estatwa ni Louis Pasteur sa San Rafael high school sa eksaktong 4:30 p.m. Ang dahilan: may hahanapin daw sila na puno ng cannabis na nababalitaan na tumubo daw sa lugat na iyon.

Ang cool nila no? Organized pa.

At sa sobrang cool ng grupo nila, ginawan pa nila ng pangalan ang mga sarili nila: ang “Waldos”. At ano naman ang ibig sabihin ng “Waldos”? Sila daw kasi yung tumatambay sa isang “wall” sa labas ng kanilang “school”. Hindi ko alam na sobrang mahilig pala sa mga codename ang mga tao nung 1970’s.

Anyway.

Hindi nila nakita yung puno ng cannabis na sanhi ng pagkikita-kita nila nung araw na yun. Isang malaking fail ang unang plano nila. Fail din yung pangalawa, pangatlo, pang-apat, at lahat ng mga sumunod na lakad nila. Wala silang nahanap na puno. Pero…! (heto na)

Naging code nila ang “4:20 Louis”. Pag sinabihan ka nun, ibig sabihin magkikita-kita kayo sa estatwa ni Loius Pasteur sa bandang 4:20 ng hapon. Ibig sabihin, maghahanap ka ng puno na sa panaginip lang pala makikita.

Ang nangyari, ang code na “4:20 Louis” ay napaikli nila to “420” na lang. Pero iba na ang naging kahulugan ng numero na ito. Hindi na ito tungkol dun sa nawawalang puno ng cannabis. Magdala ka na lang ng sarili mong stash, at pot session na ito.

Hindi ko naman alam kung paano kumalat ang code na ito, pero nakabuo ito ng isang malaking kultura ng mga tumatangkilik sa halaman na yun. Hindi ko rin naman alam kung paano rin kumalat bigla ang term na “420” sa Pilipinas, e ngayong taon ko lang ito narinig, at sa facebook ko pa ito nabalitaan. Marami bigla sa mga friends ko ang nag-“like” sa page ng 420, kahit na alam nating lahat na kahit kailan e hindi naman tinawag na 420 ang mga pot session sa Pilipinas.

Sa ibang bansa lang yun, huy. Pero sige, kung gusto nyo maki-uso, go lang ng go. Maging “Waldos” ka na rin.

April is the month of planet earth

Tinalo pa ng Pilipinas ang paggunita na ginagawa ng ibang bansa para sa mundo natin. Kung sa ibang bansa, ang Earth Day ay tuwing April 22 lamang, sa atin, ang buong buwan ay, ayon sa proclamation no. 1482, “month of planet earth”. O di ba? sosyal. talbog ang earth day.

Kaso…

Naideklara nga na ang buwan ay isang malaking pag-gunita sa mundo, pero wala naman akong nababalitaan na malaking kaganapan mula sa gobyerno natin na may kaugnayan sa pagliligtas ng kalikasan (aba, ang noble naman ng dating ng post na ito). Sige, sabihin natin na nakakatulong ang Clean Air Act (na sa pagkakaintindi ko e para lang sa mga sasakyan, at hindi sakop ang iba pang industriya at pabrika (paki-korek na lang ako kung mali ang pagkakaintindi ko)), pero hindi lang naman hangin ang kailangan i-preserba. Dapat mag-isip pa ng ibang mga paraan “for a more sustainable future”.

Pwede tayo gumawa na lang ng mga ganito:

Kenneth Cobonpue's biodegradable car

better than porsche

Wag ka nga lang magpapa-ulan.

Galing dito ang picture.