anatomy of a workstation

This post is in response to a friend’s facebook post of his own workstation. That was already a few weeks back and I’ve been meaning to do my own version for the longest time… pero tinamaan ako ng katamaran e. sorry na.

home workstation setup

workstation vanity

Let’s Deconstruct this, shall we?

1. 21.5″ iMac mid 2010 series – my main workstation that I only recently finished paying (yey! :D)

2. 13″ Mid 2009 series – borrowed from my girlfriend (ha!) that I also use when I need to be mobile with the stuff I need to do.

macbook pro and the iMac

black and white keyboard

additional note: I use an issue of the Rogue Magazine to elevate my keyboard to avoid scratches from the wood table. That’s Angel Locsin’s hand that you’re seeing (from a badly photoshopped cover image)

3. My Spider-Man mug – this was a Christmas gift to me from the current Dean of a college in UP Diliman. She was addressing this gift to the inner child in me.

spider-man mug, apple magic mouse

spider sense is a-tingle!

4. Books I bought before I began my collection of downloaded book library. Ang mahal e. sorry naman.

5. Various versions of my thesis, a calendar, external hard drive, and my trusty old nokia phone.

books

my collection of abubots - the abubooks

6. Behind every good man is the better woman – Photos of the biggest inspiration in my life.

Bonus Items! Just because.

Doraemon stuffed toy. Yes, I bought this for myself.

doraemon stuffed toy

you're my doraemon to my nobita

CD-R King LCD cleaner. Because I cannot live without cleaning my stuff.

cd-r king lens cleaner

cd-r king lens cleaner: it saves you from the evils of dust

 

Calvin and Hobbes ni Bill Watterson

Nagkekwentuhan kami ng isang kaibigan ko tungkol sa mga koleksyon namin ng mga comics (oo, MEJO geek ako) nang mapadpad ang usapan sa Calvin and Hobbes. Napatingin kami sa bawat isa (not in a romantic way) at nagtanong — nasaan na si Bill Watterson ngayon?

Para sa mga hindi nakaka-kilala, si Bill ang nagbigay buhay sa isa sa pinaka-malikhaing comic strip na nabasa ko: Calvin and Hobbes. Ang strip na ito ay puro tungkol sa mga kalokohan ni Calvin, isang limang taong gulang na batang lalake na may imaginary friend, si Hobbes, na isang tiger.

Si Hobbes, habang hindi naglalakad sa imahinasyon ni Calvin, ay isang ordinaryong tiger stuffed toy. Sa imaginary friend pa lang, masasabi mo nang kakaiba mag-isip si Calvin. Kaya niyang mag-imbento ng “Transmogrifier machine” na pwedeng kang i-transform sa kahit anong gusto mo sa isang pihit lang ng makina. Palagi siyang nasa space bilang si Spaceman Spiff at kinakalaban ang mga alien na kamukha ng teacher niya. Paminsan-minsan ay isa siyang dinosaur. At kaya rin niyang mag-isip ng politika dahil gusto niyang patalsikin ang tatay niya bilang ama ng pamilya — through solo protest.

Wild, di ba?

Hindi ko lang alam kung bakit sampung taon lang kinaya ni Bill na maglabas ng mga kalokohan nila Calvin. Malamang hindi na niya masikmura ang mga editors niya at hindi na siya pinapansin sa advocacy niya na dapat ituring ang newspaper strips bilang isang art form, at huwag balewalain lang. Pero sa palagay ko, nakatulong ang biglaan niyang pagkawala sa pag-sikat ng kanyang comic strip.

Sobrang hirap ngayon makahanap ng mga orihinal na merchandise ng Calvin and Hobbes. Malamang, kasi isang t-shirt, lunch box, at mga lumang kalendaryo lang naman ang pinayagan ni Bill na i-produce ng mga tao. Natatakot siguro siya nun na lamunin na lang bigla ng sistema ang mga karakter niya, at tuluyang mawala ang “magic” sa kanila.

Ewan. Basta, hanggang sa ngayon e naiinis ako kapag may nakikita akong sasakyan na may sticker ni Calvin sa may gas tank. Siya yung batang umiihi na nakalingon sa likod at may malaking ngisi sa mukha. Isa ‘yung paglalapastangan sa lahat ng ipinaglaban ni Bill (talagang first name basis e, sa mundo ko kasi, close kami).

calvin and hobbes 1