Ang mga microphone ng ibang miyembro ng Black Eyed Peas ay huli sa balita

Hindi ko alam kung ano trip ng mga ito at umiilaw yung mga damit nila. Parang rip-off ng costume design na pinasikat ng Tron (oo, yung original na Tron, at hindi yung Tron Legacy — para din sa mga hindi nakakaalam (mahigit sa kalahati yata ng mga nakasabay namin manood sa sinehan e hindi alam na part 2 na yung pinapanood nila)). Pero isa itong malaking FAIL.

Pero hindi yan ang dahilan kung bakit tinuturing kong huli sa balita ang mga ito. Yung mic! YUNG MIC!