old school para sa future

Ok ok ok ok.

Umiiral na naman ang pagka-nerdoks ko ngayong linggo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maki-usyoso sa mga kaganapan sa nagaganap na Consumer Electronic Show (CES, para hindi masyadong mahaba) ngayon sa Las Vegas (hindi ako nagpunta dun, at sobrang layo ko sa Las Vegas — humahagilap lang ako ng mga balita sa internet). Kung tutuusin, parang daig ko pa yata yung mga tao na sumusubaybay sa mga palabas ni Willie sa tindi ng atensyon na binibigay ko sa CES na yan.

Hay.

Sabi nila, malaking parte ng show ang mga bagong ilalabas na mga Tablet, isang market na binuksan ni Apple at ng kanyang iPad. Ngayon para silang ewan kung maglabas ng mga “iPad killer” kuno.

side note: walang kwenta ang Samsung Galaxy Tab kumpara sa Motorola Xoom. Pero mas inaabangan ko pa rin ang paglabas ng Playbook ng RIM.

Ok, sige.

Isa pang bagay na inaabangan sa CES ay yung mga bagong smart phones na nagpapatigasan ng specs. Yun nga lang, halos lahat ng andun e puro Android OS ang gamit, isang operating system na wala masyadong amor sa akin dahil sa dami ng compatibility issues nya.

Sige, pagbigyan natin yang mga yan.

Maliban sa mga nabanggit ko na, marami rin akong nakita na mga 3D LED HDTV, 3D camcorders, maninipis na laptop, at kung anu-ano pa.

Pero hindi yang mga yan ang talagang nakakuha ng atensyon ko. Masyadong hi-tech na yang mga yan para sa panglasa ko. Alam mo kung ano ang astig?

Polaroid camera. Polaroid GL30.

print agad = angas


Para sa mga nilalang na ipinanganak sa mundo ng mga digital camera at WiFi, at sa inyo na walang kamuwang-muwang sa pinagsasabi ko na Polaroid camera, punta kayo dito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s