ang laptop ko ay huli na sa balita

11 months pa lang sa akin yung laptop ko, may bagong modelo na naman

Wala pang isang taon nang binili ko itong gamit kong laptop nang maglabas ulit ang Apple ng bagong line of products nila. Mas malakas daw. Mas mabilis. Mas matipid.

In short, olat na itong model na gamit ko. (“olats” minus the “s”: OLAT, adj, singular form of olats).

Dapat yata hindi na apple.com ang homepage ko sa Safari para hindi ko nakikita ang mga ganung balita. Nakaka-down ng feeling e.

Isa pa yang iPad na yan.

Actually, hindi naman ganun kalaki ang kagustuhan ko na magkaroon nun, kahit na sinasabi nila na yun na ang next step sa evolution ng mga personal computers (mobile computing yata tawag sa category na binuo nila para dito). Malamang dahil para lang ma-appreciate ko yung iPad e dapat lagi akong naka-connect sa internet. E wala naman akong wifi sa bahay. Prepaid lang ang gamit ko na connection. Isa na namang olat sa buhay ko.

Isa pang bagay na nakapagpa-turnoff sa pagbili ng iPad ay yung idea na sobrang talamak na syang binebenta sa Greenhills. Dun sa parang tiangge nila sa second floor na puro cellphone. May nakita pa nga akong mama (note: “mama” ang deskripsyon ko, hindi lang ordinaryong lalake) na kakabili lang ng sarili nyang iPad tapos pinapalagyan nya ng screen protector dun sa naglalako ng cellphone.

Ah, may isa pa palang sitwasyon akong naranasan kaya badtrip na bumili ng bullshit na yan. May pinuntahan akong event sa may Ortigas area last week lang, tapos may matabang mama (“mama” ulit) na mahaba ang buhok na sobrang ingay na naglabas ng iPad para maglaro ng mga shit. Sa kalagitnaan ng program nung host ng party. Nai-imagine ko nga nung panahon na yun, humahalikhik sya sa sarili nya, akala siguro ang cool cool nya nun. “Hwek hek hek hek hek. I have iPad. Chicks digs me. Hwek hek hek hek.”

Hindi ako bitter. Ang saya ko nga nun nung nakita ko sya e. Na-realize ko, may tao pa palang mas olat ang buhay kaysa sa akin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s