nagtatanim na ng sunflower sa University Avenue. Heto na talaga.

Kahapon, nung pabalik ako ng campus galing sa EDSA, napansin ko yung mga mama na naghuhukay ng lupa sa gilid ng University ave. Para sa hindi nakakaalam kung saan ang University Ave, ito yung kalsada na dadaanan mo papasok ng UP Diliman kung galing ka sa Philcoa. Yung may malaking shed na hugis tatsulok. Ito yung kalsada na nasa dulo ang Quezon hall, kung saan makikita ang pangalawang Oblation sa UP (Oo, hindi yan yung original. Nasa Main Library yung tunay na Oble, at mas maliit sya ng konti).

Para rin sa mga hindi nakaka-relate, isa lang ang ibig sabihin ng sun flower sa UP: Graduation time na.

Shet. Kelangan ko na matapos ang thesis ko bago mamulaklak ng lubusan ang mga bulaklak na yan. hmmm.

Sa April na siguro ako magmumuni-muni ng nakaraan, pag tapos na ako. Naks.

One thought on “nagtatanim na ng sunflower sa University Avenue. Heto na talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s