2010 na pala. Nge.

habang naghihintay para sa libreng gamot

Nasa bakasyon pa ang utak ko. Hindi ko rin naman kasi nasulit na magpahinga nung nakaraang Christmas break (hindi ako yung tipong tinatanggal yung “Christ” sa Christmas, di tulad ng iba na gustong gusto na ginagamit ang Xmas) kasi ang dami ko rin ginawa nun. Tumulong ako sa ilang araw na medical mission sa iba’t ibang lugar mula Caloocan hanggang Antipolo. Nagsimula lang talaga ang pahinga ko nung January 2, kung kailan nakita ko ulit ang pamilya ko makalipas ang halos dalawang linggo na paglalayas sa bahay.

Bibo ang mga bata dun sa mga lugar na pinuntahan namin. Mabuti na lang at hindi ko pa masyado naririnig yung jingle ni Manny Villar nung panahon na andun kami sa mga lugar na di maikakailang kapos sa kapalaran ang mga tao. Badtrip yun kung ganun. Ang dami pa man ding bata dun sa mga pinuntahan namin.

Hindi naman sa binabato ko yung kampanya ni Manny, pero sa ngayon kasi, halos every 15 minutes e naririnig ko sa radyo o di kaya’y sa nakikita ko sa TV yung mga advertisements niya. Idagdag mo pa jan yung mga taong makakasalubong mo sa kalsada o makakasabay mo sa pagkain na parang sinapian ng kung ano at dun pa na-LSS. Nanunuot na sa utak yung kanta e.

may mali talaga sa mga batang kumakanta ng "bibigyan nya tayo ng trabaho"

Kung ang goal ng kampanya e recall ng kanta, saludo ako sa kung sino man ang gumawa ng stratehiya na iyon kasi effective sya. Aggressive. Nakakasuya nga lang para sa ibang tao. Parang yung commercial ng Winrox.

“Li-nis-ba-hay-pa-ti-ban-yo!

Ta-nong-nyo-pa-sa-na-nay-ko!”

Effective talaga ang jingle sa advertising.

Eniwei, iwas na tayo sa polotical topics. Bibihira ang masasayang kaganapan sa mundong iyon. Mas maganda pag-usapan ang… Bulalo.

Oo, bulalo. Sa Tagaytay.

hindi yan bulalo. crispy pata yan

Umakyat kasi kami ng Tagaytay mula Caloocan para lang kumain ng bulalo. Pati crispy pata. Dalawang beses pa. Ayun, ang ending, diagnosed na ako with fatty liver at bawal ako kumain ng matatabang mga pagkain for two weeks.

hoe my goo lie. boo.

Okey lang. Sulit naman ang halos tatlong oras na byahe papunta ng Tagaytay para lang sa tanghalian. Lalo na kung sa pagsubo mo ng bulalo e maninikit at manunuot siya sa ngala-ngala mo at parang nanglalagkit yung buong bibig mo kasi sa sobrang lamig sa Tagaytay e mabilis din lumamig yung bulalo at nagiging sebo agad pagdapo sa ngipin mo. Softdrinks lang ang pansamantalang solusyon jan kung wala kang dalang toothbrush.

Sulit din yung crispy pata na sa amoy pa lang e alam mong malutong syang kainin. At sa dami ng makakain mo e pakiramdam mo kasalanan na ang ginagawa mo.

hmmmm…. Pyesta sa Tagaytay next week. Makabalik nga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s