Ano nauna: asukal o kape?

 

my coffee of choice

ang kape namin sa bahay

 

Adik ako sa kape. Pero hindi ako yung tipo ng adik na aalamin lahat ng uri ng kape. Hindi ko alam ang lahat ng timpla nito. Basta ang alam ko, may malamig at mainit na kape. At may kapeng nawala na ang init at lamig sa tagal ng pagkakalagay sa mesa at dahil hindi ito pinapansin. Ang tawag sa kapeng ganun ay sayang.

Basta mahilig ako sa kape. Masaya na ako kahit yung mga three in one na sachet lang ang itimpla ko sa bahay. Nakakatipid din ako pag nagpupunta sa Coffee Bean and Tea Leaf kasi nabubuhay ako sa home brewed coffee nila. ‘Yung usually e pinakamura. Masaya na ako sa ganun.

At mas gusto ko ang CB&TL kesa sa Starbucks. Ewan ko nga lang kung bakit. Mas maganda lang siguro ang ambience ng lugar kasi bibihira ang makikita mong mga tao dun na nagpupunta lang sa Starbucks para masabing “in” o “cool” sila. In short, gusto lang nila iparating na hindi sila olats sa tunay na buhay. Mas maraming seryosong tao ang nagpupunta sa CB&TL. Ang mga studyante e nagpupunta para mag-aral talaga at nagtatago pa nga sa mga kaibigan para hindi sila ma-BI.

Balik tayo sa tunay na pakay ko sa post na ito: yung kape.

Nanibago lang ako kanina habang nagtitimpla ng kape sa kusina. Nagpapainit pa lang ako ng tubig nun at naisipan ko nang ilagay ang mga hahaluin sa puti kong mug. Hindi ko napansin na ang nauna kong nadampot sa mesa ay ang asukal. Dun ako biglang napaisip.

Kahit kelan e hindi ko inunang ilagay ang asukal sa baso. Laging nauuna ang kape. Kahit dati pa na Milo pa lang ang iniinom ko (never ko nasubukan ang Ovaltine, allergic kasi dun yun kuya ko. labo) asukal pa rin ang pumapalangawa sa listahan.

So naisip ko na kahit pala sa puntong ito ng buhay ko, at sa ganitong edad, e may mga madidiskubre pa akong mga ganung bagay tungkol sa sarili ko. At bilang isang tao na galit sa buhay na pinapalakad ng sistema at mga araw araw na rutina, kumuha ako ng asukal at nilagay ko ito sa loob ng puting mug.

Sa araw na ito, second runner up lang si nescafe. At may nabago sa buhay ko kahit papaano. Masaya na ako sa ganun kababaw na dahilan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s