Ang trahedya ng humps sa dulo ng kalsada

Biglang lingon si Mama sa akin pagka-baba ng sasakyan. Nasa may manibela pa ako nun at magmamani-obra pa lang nang marinig ko siyang tinatawag ako. “Yung pinamili pala”, sabi niya. Inabot ko sa kanya ang isang supot ng Puregold na puno ng mga grocery. Naisipan kong pwedeng ako na lang ang mag-akyat nun at baka mahirapan pa siyang magbitbit, nasa third floor pa naman yung unit namin. Magaan lang naman pala siya kahit puno. Mukhang kaya naman niya.

Hindi ko na inakyat yung plastic, inabot ko na lang sa kanya sapagkat nagmamadali na ako. Susunduin pa kita sa may Quezon Avenue, sa may McDonalds dun, at alam kong mejo late na rin ako. Ayoko pa naman din na nahuhuli sa mga napag-usapang oras.

Urong, kambyo, abante, urong, kambyo ulit. Biglang may mabilis na motor na nagdaan sa harap ko sa pag-abante ko ulit. Muntik ko na tamaan. Ni hindi man lang sya bumusina, o di kaya’y naghintay man lang na maka-andar ako ng maayos bago siya nagdaan. Hindi, kailangan talaga niya sumigit sa sasakyan ko habang nagmamani-obra ako.

Hinabol ko siya bago siya makarating sa dulo ng kalsada. Nakahabol din naman siguro ang dalawa sa sangdamakmak na mura ko bago siya tuluyang makalayo. Tangina niya. Ang pangit talaga ng ugali ng ibang mga motorista sa Pilipinas.

Shet, late na ako.

Nilakasan ko ang radyo at nilagay sa preset number 5. Sakto, Renee Olstead. Hindi ko na maalala kung anong station ng radyo yun, basta alam ko nagustuhan ko sya kasi puro jazz music pinapatugtog dun. Pangpa-kalma lang.

Pero tangina, late na talaga.

Paakyat yung kalsada sa may amin, at pagdating mo sa dulo isa lang ang pwede mo likuan palabas, Ginawang basketball court ng mga guard yung kanan, kaya yung kaliwa na lang ang pwedeng daanan. Katabi naman ng basketball court ay power plant. Hindi ko rin alam kung bakit sila magtatayo ng power plant sa lugar na sobrang lapit sa mga bahay ng mga tao. Madali na hulaan ang ikamamatay ng mga nakatira dun pag tagal — cancer. Dapat na talaga kaming lumipat.

Dalawang humps ang madadaanan bago makarating sa dulo ng kalsada. Binilang ko. Isa pa lang nadaanan ko. Mukha naman aabot ako sa McDonald’s, at hindi mo na kailangan maghintay pa ng matagal dun.

Pagdating sa pangalawang hump(s), kitang-kita mo na ang labasan. Isang liko at nasa highway ka na ulit.

Preno, alalay, tapak sa clutch, pasok sa segunda.

Krrgrrgrgggg!

Namatay ang makina pagkalampas ko ng pangalawang hump(s). Naubusan ako ng gas!

 

May kasunod malamang ang kwentong ito, pero inaantok na ako magsulat.

One thought on “Ang trahedya ng humps sa dulo ng kalsada

  1. Grrr. Kung kelan ka naman talaga nagmamadali sasabay ang kung anu anong kamalasan. Sana nakarating ka naman ng maayos sa pupuntahan mo… kahit late basta nakarating!

    Special Life Events Photography: Capturing Life’s Special Moments for as low as Php 5,000 for 4 hours of unlimited shots and a 20 page colored photobook!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s