Metrowalk part 1: Ang Yoo-hoo, bibingka, at ang hangin sa mukha ko habang tumatakbo

Nawala sa plano natin kanina bago tayo umalis ng bahay ang pagdaan sa Metrowalk. Balak ko sanang bumili ng DVD para sa computer ko, kaso dahil nga sa late na tayo naka-alis ng gale e tinanggal na natin sya sa opsyon. ‘Yun nga lang, ang dami pa pala nating oras pagkatapos natin kumain sa Yoo-hoo, kaya naisipan nating magdaan na rin sa second floor.

 

Pero bago tayo nakapunta dun e naisipan mong dalhan ng pasalubong ang mama mo. ‘Yung bibingka at puto bumbong ang lagi natin binibiling pang pasalubong sa kanila. Hindi ko alam kung bakit buong taon ay may nagtitinda ng puto bumbong at bibingka dun, siguro araw araw e pasko sa lugar na yun. Mabenta naman. At si manong pa rin ang nagbebenta.

 

Pinag-uusapan natin yung kotse natin na hindi pa natin nabibili habang naglalakad mula Yoo-hoo papuntang tindahan ng bibingka. Hindi pa nahuhulma sa isip ko kung ano talaga ang magiging sasakyan natin. Basta ang alam ko, nakumbinsi mo na ako na second hand na lang ang kunin dahil mas mura yun. Mabilis din naman bumaba ang presyo ng mga bagong kotse, kaya hindi yun sulit.

 

Nasa parking lot lang yung tindahan. Kasama niya yung mga tindahan ng prutas at gulay (may gulay nga ba talaga?), sa kaliwang parte ng kalsada pagka-pasok mo mula sa entrance. Isang tawid at ilang hakbang lang mula sa Yoo-hoo.

 

Tumayo si manong nang makita tayong papalapit. Magkaano yung bibingka?

 

Hindi siya sumagot. Meron nga naman palang naka=paskil sa harap natin na telang may nakasulat na presyo. Forty-five pesos. Tapos, tumahimik ka bigla. Gulat ang ekspresyon ng mukha mo.

 

Nagulat ako sa pagka-gulat mo. Ang bag ko! Naiwan ko sa Yoo-hoo!

 

Alam ko na ang dapat kong gawin nang narinig ko yun.

 

Takbo, Osep. Takbo.

 

basahin ang buong kwento…

2 thoughts on “Metrowalk part 1: Ang Yoo-hoo, bibingka, at ang hangin sa mukha ko habang tumatakbo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s