Binabawi ko na lahat ng pinagsasasabi ko dati sa inyo. Humihingi ako ng dispensa sa lahat ng naniwala at naglabas din ng pera tulad ko. Sobra dati ang pagpuri ko sa kanya, hindi ko inakala na kaya niyang gawin sa akin ito.
Dalawang buwan lang ang nagdaan simula nang kami ay magsama araw-araw — mula umaga hanggang hapon, mula gabi hanggang umaga — walang humpay na pagkakaibigan.
Pero binibigo na niya ako. Dalawang araw na akong baldado at walang magawa dahil sa kataksilan niyang ito. Alam niyang hindi ako makakahanap ng kahit sinong makakapalit sa kanya. Nasaktan ako. Umiyak, dinugo, nagwala, at naka-rami ng kape habang hinihintay ko siya. Pero wala talaga.
KAYA BINABAWI KO NA LAHAT NG SINABI KO.
P*T*NG*NA ANG BAGAL NA NG SUN BROADBAND.
Advertisements