Metro Comic Con Day 2

Aha! Mabuti na lang at naka-habol ako sa Metro Comic Con, kahit na sa pang-huling araw na lang ako naka-punta. Pangako ko pa man din sa sarili ko na kahit isang beses lang sa buhay ko, pupunta ako sa isang event na ganito.

Dumating ako dun banda hapon na, at sa totoo lang, ang unang impresyon ko sa kanya ay hindi pala siya ganun ka-exciting. Umabot nga sa puntong sinasabi ko sa sarili ko na shet, sayang lang pinunta ko ko dito. Parang tiangge lang pala na puro comics at laruana ang laman.

Nakaka-impress din naman ang dami ng comics na nakita ko dun. Nakakalula sa dami. Mahilig ako sa comics. Nangongolekta ako ng mga comics nung panahong makakabili ka pa ng isang issue ng X-Men sa halagang Php 50. Nung nagsimulang tumaas ang presyo (o bumaba lang talaga ang halaga ng piso?) tinigil ko na.

Bumalik na lang ang kilig ko nang nagsimulang magdagsaan yung mga kasali sa cosplay contest na event para sa hapon na yun. Ang dami kong hindi kilala na karakter, pero nakaka-impress ang iba sa kanila na talagang halatang binigyan ng sagad na atensyon at budget ang mga costume nila. Parang prom na may theme.

Kahit papaano naman ay nag-enjoy din ako dun sa event. Pakiramdam ko nga lang e hindi sulit yung binayad ko na entrance fee kung ang tanging nagawa ko lang na nag-enjoy ako e yung kumuha ng pictures. Kaya ko rin naman gawin yun kahit nasa labas lang ako ng megatrade hall. Kung tutuusin, sobrang dami pa ring pwedeng kunan ng litrato sa labas.

Speaking of pictures, mejo marami rin ako nakuhanang mga bagay bagay sa event na yun. Inaayos ko pa kaya sa susunod ko na ipo-post.

ye!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s