Why can’t we be friends?

Scam: itago natin sa pangalang “National Artist Award”.

Ano na nangyari dun? Sayang at hind ako nakasama sa prusisyon sa may CCP, balita ko all star cast daw yun e. Mga bigating utak at kamay ng sining ng bansa (haba nun a) karamihan ang mga dumalo dun, para i-protesta ang pinaka-huling roster (hindi manok) ng National Artists. Lahat sila naka-itim, lahat sila nag-lamay. Balita ko rin nag-away away din daw pagdating sa NCCA? Ang malungkot pa dun, yung mga nag-away e puros magkaka-kilala pa?

Labooooooooooo meeeeeeeeeennnnnn…..

Nasira na ang pananaw ko sa propesyon ng isang alagad ng sining. Ngayon ko lang nalaman na ang laki pa rin pala ng sakop ng pulitika, lalo na dito sa bansa natin. Nakaka-badtrip lang malaman na ang pagiging National Artist ay hindi na pala isang bagay na maaari mong maipagmalaki. Kung ganito na ang tingin natin sa sarili natin, ano pa kaya ang iniisip ng mga taga-ibang bansa? Isa itong napakalaking bahid sa kultura ng Pilipinas. Isang bagay na dapat ipinagmamalaki, ay isa ring maselang responsibilidad na dapat inaalagaan.

Para sa ating kahat ang kantang ito, at sana maayos na ang lahat ng dapat ayusin dahil ang isa sa pinaka-malaking casualty ng issue na ito ay hindi lang ang alagad, kundi ang sining mismo:

“Why can’t we be friends?

Why can’t we be friends?

Why can’t we be friends?…”

Nakaka-LSS yang kantang yan. Lalo na kung mapanood mo yung version niya ng mupppets, panalo yun:

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s