Super Family Computer: Punch Out

Wala akong sariling Family Computer dati. As usual, nakikilaro lang ako sa mga mayayaman kong kaibigan. Wala naman akong kailangan ika-kaba sa pakiki-laro ng Family Computer kasi given na sirain talaga siya. So kahit masira ko ng hindi sinasadya, hindi ako sisisihin ng kaibigan ko, o sisingilin ng tatay niyang galing Saudi.

Isa ito sa mga larong naaalala ko sa pinaka-unang game console na nahawakan ko. Classic yan, kasi makakalaban mo ang mga tulad ni Mike Tyson nung hindi pa naaapektuhan ng mga suntok sa ulo ang katinuan niya at hindi pa siya nangangagat ng tenga. May mga makakalaban ka rin na mga katulad nila King Hippo at Super Macho Man. Mga mahihirap na ka-engkwentro nung panahong simple pa ang buhay.

‘Yun nga lang, katulad ng Super Mario 3 at Battle City, kahit kailan ay hindi ko natapos yung buong laro nito kasi lagi akong tumi-tyempo sa hapunan ng kapitbahay namin at kailangan nila akong paalisin kung hindi ay mapipilitan sila akong pakainin din.

Galing dito yung video.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s