Lumang Justice League sa New Frontier

Alam ko bagong labas lang din itong movie na ito, pero sobrang nagalingan ako kung paano nila binalik sa lumang panahon ang buong grupo ng Justice Leage. Well, hindi naman buong grupo kasi marami pang hindi nila naisama sa kwentong ito.

Kung papansinin ang disenyo ng mga costume nila Batman at Superman, mahahaba pa yung mga brief nila. Hindi katulad ng mga suot nila ngayon na brief na korteng tatsulok. Pansinin din kung paano nila binago ang itsura ni Batman sa istorya, kung paano nila nalagyan ng kwento kung bakit biglang nagmukha syang pedophile nung dumating na sa eksena si Robin. Si Bruce Timm lang siguro ang mangangahas na gawin yan sa isang proyekto.

 

Hindi rin katulad ng mga bagong kwento sa DC comics, ang mga “crisis” storylines nila — kung saan magugunaw ang mundo o di kaya’y mamamatay lahat ng tao — ibang superhero ang tagapag-ligtas. Sa mga ginagawa kasing kwento ngayon sa comics, oras na pumasok sa eksena sila Superman, Batman, o si Wonder Woman e tapos na ang kwento. Itaga mo sa bato ligtas na ang mundo. Patas ang exposure ng mga tao dito. May sapat na exposure sila Green Lantern at Flash, pati na rin si Martian Manhunter. Sa katunayan, si Superman nga e naging walang kwenta pagdating sa dulo ng labanan.

Panalo. Ito ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng nilalabas ng DC ngayon. Siguro dahil nga sa pagbalik ni Bruce Timm sa proyekto. Kung hindi nyo siya kilala, siya yung nag-design ng mga karakter ng DC para sa mga TV series. Nagsimula siya (sa pagkaka-alam ko) dun sa Batman na cartoons nung 1990’s. Nagtuloy-tuloy yun hanggang sa Batman of the future (tama ba yung title?), Mask of the Phantasm, pati ang kabuuan ng Justice League series. Hindi ko lang din talaga alam kung bakit iba na yung itsura ng mga karakter sa mga pelikula ni Green Lanter at Superman Doomsday.

Basta, ang saya lang siguro makita ang mga karakter ng DC sa luma nilang itsura. Kumbaga, nakaka-panibago ang pagka-luma nito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s