Arthro

Run, Erap! Run! (parang Forrest Gump lang a)

Kung mapapansin  niyo, mejo matagal nang nagsimula ang pangangampanya ng mga tao para sa susunod na eleksyon. Ngayon ko lang nabalitaan ang TV commercial na ito mula sa Arthro, at pinangungunahan ni dating Presidenteng Joseph Estrada. Samu’t-saring reaksyon na rin ang mga nakita ko mula sa mga taong nakakita na nito, masyadong maraming detalye para mailagay ko dito.

Actually, nakalimutan ko lang din talaga mga reaksyon nila. Pero dalawa lang naman ang major reaction ng mga tao e: mapapa-ngiti o sisimangot. Kung ano man ang dahilan nila kung bakit sila ngumiti, tumawa, bumungisngis, natuwa, nagalak, nainis, sumimangot. nagkamot ng ulo, nagkamot ng pwet, lumuha, napa-ngaga, napa-upo, napa-tayo, napa-ubo, napa-sigaw, o nag-thumbs up, e hindi ko na tinanong.

Marami na ring ibang mga pulitikong nag-labas ng mga ganitong uri ng komersyal, subukan nating hanapin yung mga yun. Ang pinaka-nadagdag sa listahan yata ay si MMDA Chairman Bayani Fernando. Pero hindi ko pa nakikita yun, so hindi ko pa sure.

Wala namang masama sa paggawa ng mga ganitong bagay, naiintindihan ko naman na parte ng marketing yun. Kung tingin nila na makakatulong iyon sa pagpapa-ganda ng pangalang ng kanilang principal, sige lang. Wala rin naman akong kinakampihang kahit sino pag dating sa bagay na ito. Sa totoo nga, hindi pa ako desidido kung sino ang iboboto.

Hintayin ko na lang siguro yung final list ng mga kandidato.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s