Ponyo – ang goldfish na hindi

 

si ponyo habang naninilip ng tao mula sa jellyfish

si ponyo habang naninilip ng tao mula sa jellyfish

Nakahanap na rin ako ng panahon na panoorin ang pelikulang ito. Salamat sa isa na namang malawakang panawagan ng “walk out”, cancelled ang thesis consultation namin. ‘Yun lang naman ang tanging klase ko buong araw, kaya ang ending, hindi ako lumabas ng bahay hanggang lumabas ang buwan.

Pero hindi walk out at thesis ang pag uusapan natin dito. Ang article na ito ay tungkol kay Ponyo. At kung gaano kagaling si Hayao Miyazaki sa paggawa ng pelikula. Hindi ko nga alam din kung bakit kailangan pa sumipsip ng Walt Disney sa mga trabaho niya, samantalang kayang kayang tapatan ng mga pelikula niya ang kahit anong ilabas ng kanyang mga western counterparts.

Hindi mahilig sa 3D animation si Miyazaki. Mayroon akong mga nakita dati na ginawa niya na rendered sa 3D, pero ang effect pa rin ay parang daily morning cartoons. Isipin mo na lang ang (paborito ng lahat) na cartoons na Princess Sarah, o di kaya’y The Dog of Flanders (“My Patrasche” sa channel 2), tapos sobrang nilinis at pinaganda ang pagkakagawa. Yun yon.

Yung istorya niya, katulad ng iba pang mga nagawa na dati sa Ghibli, ay mababaw lang. Walang matinding aksyon o patayan. Marami lang isda. Si Ponyo ay isang isda. Isa siyang goldfish dapat. Pero may buhok. At sa kagustuhan niya na maging isang tao ay nagka leche leche ang “powers” ng mundo at muntik nang bumagsak ang buwan sa mahal nating earth.

Wag kayo masyado umasa sa ending. Maliban sa “Grave of the Fireflies”, ang lahat ng ginagawa ni Miyazaki ay may happy ending, at malalaman nating lahat na wala naman palang tunay na kalaban. ‘Yun siguro ang mahika sa pelikulang ito. Wala namang kontrabida, nagkaroon lang ng sitwasyon dahil sa kagustuhan ng isang goldfish na maging tao, tapos dito na umikot ang mundo ng mga taong nasangkot.

Isa pang nakakatuwa dito ay kung paano na-establish ang mga relasyon ng mga tao. Si Sosuke, ang 5 year old boy na love interest ni Ponyo (oo, babae si Ponyo), si Risa, ang nanay ni Sosuke, si Koichi, ang asawa ni Risa, yung magician dad ni Ponyo, yung Goddess mom, pati yung suwail na Goldfish. Lahat sila friends lahat sa ending. At habang pinapanood mo, bagamat cartoons, nararamdaman mo na totoong tao silang lahat. Naalala ko nga nanay ko nung part nila Risa at Sosuke. Awww…

Ehem…

Ang galing din ng pagkakagawa ng mga scenes. O dahil na rin siguro sa imagination ng gumawa kaya ganun. Panalo yung may batang tumatakbo sa ibabaw ng sobrang laking mga isda habang may hinahabol na kotse sa gitna ng ulan. Pati yung binaha na ang buong lugar nila at sobrang daming kakaibang isda sa puno, sa building, sa kalsada, at kung saan saan pa.

Sa katapusan, ipaparamdam sa iyo ng pelikula na bata ka pa rin. Sinusubukan nitong buhayin ang imahinasyon. Sinasabi nito na ok lang magtampisaw sa ulan, hassle ang long distance relationship pero ok lang din ito sa dulo, na ang goldfish ay may puso din, at ok lang na mag-kiss ang dalawang 5-year old na bata.

 

Oo na, hindi ito lumang bagay at nagmumukhang hindi angkop sa tema ng blog na ‘to, pero di rin naman natin maitatanggi na kung ipapalabas man ito sa Pilipinas, malamang huli na naman tayo sa listahan. Napanood na sya ng buongm mundo bago tayo.

2 thoughts on “Ponyo – ang goldfish na hindi

  1. hi! gusto ko lang sabihin, na tama ka, at mali at the same time! hahaha! Tama ka in a sense na ang pelikula ay pinapabalik ka sa pagiging bata mo. Naaalala ang mga inosenteng mga ginagawa natin nung bata pa tayo, at okay lang gawin ang mga nakakahiyang bagay, o mga bagay na cynical tayo ngayon pero nung bata pa tayo ay ok lang sa ating gawin. Pero mali ka na huli ang Pilipinas sa pelikulang Ponyo dahil kakapalabas lang ng pelikulang ito sa US noong ComiCon nila which was 2 weeks ago (I think). Maraming mga Pilipino na rin naman ang nakapanood ng pelikula katulad mo at ko dahil sa internet. Kaya, salamat internet!

    Gusto ko lang ding magcomment na kaya ang “Grave of the Fireflies” ay medyo deep ang storya kahit Ghibli ang nagproduce dahil si Takahata ang gumawa nun at nagdirect, hindi si Miyazaki. Based din ang pelikulang un sa isang autobiography book. Mas mahilig kasi sa pambatang pelikula na pwedi ring panoorin ng mga matatanda si Miyazaki-sensei.

    Isa pang kumento (sorry if marami hehehe), nirerespeto ko ang opinyon mong mababaw lang ang storya nya, pero para sakin hindi mababaw ang buong kwento. May mga subtle hints pertaining to environmental problems which are recurring in Miyazaki films (i.e. Mononoke Hime, Tonari no Totoro). It also talks about trust and mistrust on people or things which are not like you (i.e the granny who was afraid of mermaids). I guess you can describe that as descrimination or ignorance. I could rant about a lot of other things, but I think I’ve gotten my point across.🙂 Anyway, natuwa naman ako na may other Miyazaki and Ponyo fan na taga UP! hehehe I had fun reading your post!😀

  2. Hi.😀

    Salamat at tinama mo ang mali ko tungkol sa “Grave of the Fireflies”, hindi ko na kasi masyadong nasundan yung pelikulang yun. Ang totoo, nakabili lang ako ng DVD na sinasabing koleksyon daw siya ng mga Miyazaki films, kaya naisip ko na Miyazaki film nga siya. Hehe, my bad.

    Anyway, the magic of Miyazaki is, and correct me if I’m wrong again on this one, how he blends the characters with the story. Para sa akin kasi, sa sitwasyon ng pelikulang Ponyo, hindi ganun kalalim ang konsepto ng storya. Nagiging pala-isipan siya kadalasan dahil sa mga karakter na pinapasok niya sa storya. Sa puntong ito, mas naa-appreciate ko yung mga karaketer ni Risa na walang humpay ang paghihintay sa asawa niya, at ang paraan ng pag-aalaga niya kay Sosuke. Mga ganung bagay. At kung papansinin natin, si Ponyo ang pinaka-simpleng karakter sa storya. Mas malalim pa ang mga back stories ng mga tao, hayop, at nilalang na nasa paligid niya at nakaka-salamuha niya sa kwento. Parang mas gusto ko pa nga alamin ngayon yung buong kwento ng kumplekadong tatay ni Ponyo — bakit at papaano siya umalis sa pagiging tao, at paano sila nagkaanak nung Diyosa.

    Balik tayo sa pagiging defensive ko, este, sa punto ko tungkol sa storya. Sa tingin ko nga ginawa lang niyang simple ang storya at ang konsepto para mas magbigay ng pansin sa mga karakter na nasa loob nito. It’s a characters driven story. Oo, may “s” talaga yung characters. Ang dami nila e.

    Tama ka rin na may mga tinatamaan siyang environmental issues dito, pero hindi kasing lakas ng kung paano niya tinamaan ang issues na yun sa ibang pelikula nya. Mandatory na yata talaga sa kanya yung ganun e. Princess Mononoke is defintely a classic. Lalasunin ko pa kung sino man ang tumanggi dun. :p

    Salamat din talaga sa internet at nabibigyan tayo ng pagkakataon na mapanood ito dito. Sayang nga lang na hindi siya pinapalabas as a feature film sa mga sinehan, hindi tulad ng ibang mga bansa. Hindi siya readily available to a wider market na sana ay ma-tap din nila. Lalo na ang pelikulang ito dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na napapaligiran ng tubig (puro isda kasi nakita ko sa pelikula e). Hindi siya malalaman ng mga tao unless na talagang sinusundan nila ang mga pelikulang ganito.

    Pinalabas din yata siya sa Cannes before sa San Diego. Sa August 8-9 din pala, may comic con sa Megamall. : )

    Salamat sa comment, I appreciate your insights. Plus the correction on Grave of the Fireflies. hehe. Sinisigawan na ako ng konsensya ko:

    “Defensive! Defensive ka!”.

    Hindeeeeeeeeeehhhhhh. nag-thank you nga ako e.

    Hehe.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s