Bata muli

Lumaki ako sa hiram. Bilang pinaka-bata sa pamilya namin, kahit kailan e hindi ako nabiyayaan ng kahit anong “bago”. Kung meron man, sobrang bibihira lang, o di kaya’y kadalasang mga praktikal na bagay lang. Sa pagsasabi ko ng praktikal, ito yung mga damit o kagamitan na kailangang-kailangan lang talaga kaya ako binilhan ng mga magulang ko : notebook, bag, uniform sa skwela (magkaiba kami ng paaralan ng kuya ko kaya hindi niya maipapasa sa akin yung uniforms niya). Kahit papaano naman yung mga pagkain na binibigay sa akin e bagong luto. badtrip na yun kung tira-tira na lang ibigay di ba?

 

Wala akong laruan, maliban na lang sa nag-iisang Bioman action figure na niregalo sa akin ng ninang ng kuya ko isang pasko nung ako ay sobrang bata pa. Naalala ko pa na yung mga laruan na ganun dati ay sobrang matitbay kung ikukumpara sa mga plastic na laruan ngayon.

 

Gawa sa bakal si Green 2. Shempre, sa kuya ko napunta si Red 1, ninang niya yun e.

 

Bakal. Matigas. Mabigat. Madaling kalawangin.

 

Hindi ko na nga rin maalala kung saan napunta si Green 2. Naaalala ko lang yung isang beses na pinaglalaruan ko siya tapos nabagsak ko sa paa ko. Shempre, iyak ako ng todo nun, walang humpay. Takbo papunta sa akin yung mga magulang ko na nagtatrabaho sa kabilang kwarto (Hi-tech kami nun, may personal computer si mama na top of the line — yung may floppy disk drive na malaki at naka DOS prompt pa lahat ng pwede mong gawin), tapos pinagalitan pa ako. Hindi ko na nakita si Green 2 pagkatapos ng araw na yun.

Masalimuot ang kabataan ko. Sa matagal na panahon, nabuhay ako sa kakahiram ng mga laruan sa kapitbahay, hanggang sa isang beses na may nabagsak ulit ako na laruan. Nakakabingi yung katahimikan nung tumama si Donatello sa sementong sahig at kumalas ang isang braso niya. Natigil na lang yung katahimikan na yun ng iyak ng dalawang batang lalaki — ako pati yung may ari kay donatello. Hindi na daw niya pwedeng laruin yun kasi nasira ko na. Tatlo na lang daw ang Ninja Turtles niya, at wala nang magmamaneho ng Turtle Van.

 

Pagkatapos nun, blangko na. Wala nang laruan. Ayoko na manghiram. Hanggang langit-lupa at moro-moro na lang nagbibigay ng inosenteng ngiti sa akin nun. Kahit ang panonood ng TV dati ay hanggang 9pm lang, tapos tulog na agad.

 

Ngayon, sa tulong ng teknolohiya (aba, aba, aba!), bubuhayin ko ulit ang panahon na iyon, na mejo may kaunting pagbabago. Para sa akin na nahuhuli sa kaganapan sa mundo at laging dumarating kapag tapos na ang kasiyahan, ito na ang pagkakataon na humabol.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s