Kahapon, nung pabalik ako ng campus galing sa EDSA, napansin ko yung mga mama na naghuhukay ng lupa sa gilid ng University ave. Para sa hindi nakakaalam kung saan ang University Ave, ito yung kalsada na dadaanan mo papasok ng UP Diliman kung galing ka sa Philcoa. Yung may malaking shed na hugis tatsulok. Ito yung kalsada na nasa dulo ang Quezon hall, kung saan makikita ang pangalawang Oblation sa UP (Oo, hindi yan yung original. Nasa Main Library yung tunay na Oble, at mas maliit sya ng konti).

Para rin sa mga hindi nakaka-relate, isa lang ang ibig sabihin ng sun flower sa UP: Graduation time na.

Shet. Kelangan ko na matapos ang thesis ko bago mamulaklak ng lubusan ang mga bulaklak na yan. hmmm.

Sa April na siguro ako magmumuni-muni ng nakaraan, pag tapos na ako. Naks.


habang naghihintay para sa libreng gamot

Nasa bakasyon pa ang utak ko. Hindi ko rin naman kasi nasulit na magpahinga nung nakaraang Christmas break (hindi ako yung tipong tinatanggal yung “Christ” sa Christmas, di tulad ng iba na gustong gusto na ginagamit ang Xmas) kasi ang dami ko rin ginawa nun. Tumulong ako sa ilang araw na medical mission sa iba’t ibang lugar mula Caloocan hanggang Antipolo. Nagsimula lang talaga ang pahinga ko nung January 2, kung kailan nakita ko ulit ang pamilya ko makalipas ang halos dalawang linggo na paglalayas sa bahay.

Bibo ang mga bata dun sa mga lugar na pinuntahan namin. Mabuti na lang at hindi ko pa masyado naririnig yung jingle ni Manny Villar nung panahon na andun kami sa mga lugar na di maikakailang kapos sa kapalaran ang mga tao. Badtrip yun kung ganun. Ang dami pa man ding bata dun sa mga pinuntahan namin.

Hindi naman sa binabato ko yung kampanya ni Manny, pero sa ngayon kasi, halos every 15 minutes e naririnig ko sa radyo o di kaya’y sa nakikita ko sa TV yung mga advertisements niya. Idagdag mo pa jan yung mga taong makakasalubong mo sa kalsada o makakasabay mo sa pagkain na parang sinapian ng kung ano at dun pa na-LSS. Nanunuot na sa utak yung kanta e.

may mali talaga sa mga batang kumakanta ng "bibigyan nya tayo ng trabaho"

Kung ang goal ng kampanya e recall ng kanta, saludo ako sa kung sino man ang gumawa ng stratehiya na iyon kasi effective sya. Aggressive. Nakakasuya nga lang para sa ibang tao. Parang yung commercial ng Winrox.

“Li-nis-ba-hay-pa-ti-ban-yo!

Ta-nong-nyo-pa-sa-na-nay-ko!”

Effective talaga ang jingle sa advertising.

Eniwei, iwas na tayo sa polotical topics. Bibihira ang masasayang kaganapan sa mundong iyon. Mas maganda pag-usapan ang… Bulalo.

Oo, bulalo. Sa Tagaytay.

hindi yan bulalo. crispy pata yan

Umakyat kasi kami ng Tagaytay mula Caloocan para lang kumain ng bulalo. Pati crispy pata. Dalawang beses pa. Ayun, ang ending, diagnosed na ako with fatty liver at bawal ako kumain ng matatabang mga pagkain for two weeks.

hoe my goo lie. boo.

Okey lang. Sulit naman ang halos tatlong oras na byahe papunta ng Tagaytay para lang sa tanghalian. Lalo na kung sa pagsubo mo ng bulalo e maninikit at manunuot siya sa ngala-ngala mo at parang nanglalagkit yung buong bibig mo kasi sa sobrang lamig sa Tagaytay e mabilis din lumamig yung bulalo at nagiging sebo agad pagdapo sa ngipin mo. Softdrinks lang ang pansamantalang solusyon jan kung wala kang dalang toothbrush.

Sulit din yung crispy pata na sa amoy pa lang e alam mong malutong syang kainin. At sa dami ng makakain mo e pakiramdam mo kasalanan na ang ginagawa mo.

hmmmm…. Pyesta sa Tagaytay next week. Makabalik nga.


 

white dragon thingy


Pasko na!

25Dis09

Ano pa nga ba maisusulat ko dito na hindi pa nasusulat ng iba? Huli man dumating, at least nakabati pa rin.
Pero balita sa akin ng tita ko sa US daw sinusubukan nilang tanggalin na ang tradisyon ng pagbati ng “Merry Christmas” sa mga tao. “Happy Holidays” na lang daw, para hindi masyadong magkaroon ng diskriminasyon sa relihiyon ng mga tao sa earth.

Ewan. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako isa lang ang pinagdiriwang ko pag ganitong panahon.

Merry Christmas!


Hind ko kilala yung mga nasa picture. Basta naging trigger happy na lang ako nung bandang matatapos na yung parada at kung anu-ano na lang ang mga pinagkukukuha ko.

Kung sakaling isa ka sa mga nanjan, wala na akong ibang masasabi sa iyo kundi: Hello. : )

May smiley pa yan ha.


 

si aling dionisia

Ito yung pinaka-huling float na pinakita sa parada, at opening act lang niya si Manny Pacquiao na pinasayaw nila ng pandango. Sayang lang at hindi ko nakuhanan yung part na sumisipa si aling Dionisia.

Eniwei, marami pang ibang pictures, pero ang tagal mag-edit. kaya bukas na lang ulit yung iba, gusto ko lang din unahin ito. : )


masaya, pero sobrang nakakapagod.

kaya bukas na lang ako mag-uupload ng pictures.

boo.


Universal Human Rights month ang December, at mula 13-19 ay Human Rights week. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pang gawan ng specific na linggo, e sinaklaw na nga ng universal human rights month ang buong buwan. Universal pa.

Dapat ang karapatang pangtao ay hindi na ipinaglalaban. Dapat sa simula pa lang ay nirerespeto na ito para walang gulo. Pero ang idelohiyang ganito ay nagkakatotoo lamang sa mundo kung saan lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko e maganda, at alam naman nating hindi totoo yung kaya gudlak na lang.

Natawa na lang din ako nung nalaman ko na ito pala ang okasyon ngayon, pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Pilipinas nitong nakaraang mga araw. Nagkakagulo ang Earth.

Tsk, tsk.


Oo, nandun ako at nanood ng mga lalaking tumatakbo ng hubad at namimigay ng bulaklak at nagpapahiwatig ng kagustuhan nila ng pagbabago sa pagbago ng panahon.

At kumuha pa ako ng pictures.

Zoom lens pa gamit ko.

Walang pakialamanan. Bakit ba?!?

Mejo hindi ko nga lang na-gets kung ano yung pinaka-gist ng advocacy nila ngayong taon. Hindi na kasi ako naka-singit dun sa main area nila dahil sa dami ng tao, kaya nag-abang na lang ako sa ibang parte ng UP na hindi masyadong intense ang agawan sa pwesto. Nabasa ko lang yung nakasulat dun sa bitbit nilang banner habang tumatakbo, yung “pagbabago sa pagbago ng panahon.”

May nakakaalam ba? pa-share naman o. : )